Pahayag ni DU30 na ‘di tutulungan ang mga OFW na masasangkot sa krimen at illegal drugs, binigyang linaw

Manila, Philippines – Nilinaw ng MalacaƱang ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya tutulungan ang mga Pilipinong nasa ibang bansa na masasangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ayaw lang labagin ng Pangulo ang mga batas sa labas ng Pilipinas.

Gayunman, handa aniya ang pamahalaan na bigyan ng abugado ang akusadong Pinoy.


Facebook Comments