Paiimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ) ang kontrobersiyal na naging pahayag ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ito ay matapos niyang himukin ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na bawiin ang suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa kongresista, ito umano ang susi para tuluyang makamit ng bansa ang kapayapaan.
Sa isang pahayag naman, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ipinag-utos na niya na imbestigahan ito para matukoy kung pasok bilang Sedition, Inciting to Sedition o maging Rebellion.
Bilang dating mambabatas aniya, pinaalalahanan ni Remulla si Alvarez na kumilos nang naaayon sa pinakamataas na standards sa ethics, moralidad at nasyonalismo at iwasan ang mga pahayag na hindi naaayon sa pagiging miyembro ng Kongreso.