Pahayag ni FPRRD kaugnay sa umano’y paglala ng krimen ngayon, pinalagan ng DOJ

Pumalag ang Department of Justice (DOJ) sa ilang mga naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa giyera kontra iligal na droga.

Ito ay makaraang sabihin ng dating pangulo sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng Senado na muling nagsilabasan ang mga kriminal sa ilalim ng bagong administrasyon o mula noong matapos ang kaniyang termino.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nananatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa at mas lalo pa nga itong naging maayos.


Wala rin aniyang katotohanan ang mga pahayag ni Duterte kung pagbabatayan ang mga datos ng Philippine National Police (PNP).

Kabilang aniya sa mga krimen na bumaba mula July 1, 2022 hanggang January 31, 2024 ang rape, physical injury, robbery, murder, carnapping, at homicide.

Ayon pa sa kalihim, nananatiling pangunahing prayoridad ng Marcos administration ang peace and order ng bansa na naaayon sa rule of law.

Facebook Comments