Mahirap sabihing simula na ng katapusan ng COVID-19 pandemic ang paglaganap ngayon ng Omicron variant.
Reaksyon ito ng ilang mga eksperto sa naging pahayag ni Molecular Biologist Father Nicanor Austriaco na maituturing na blessing ‘di umano ang Omicron variant at pagkalipas ng isang buwan ay makakamit na ang population protection.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, dapat maintindihan ang sitwasyon ngayon na mas marami ang nahahawa ng virus kaya mahalaga pa ring agarang mag-isolate kapag nakaramdam ng alinmang sintomas.
Para naman kay Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana, hindi bakuna ang Omicron kundi isang virus na maaari pa ring makalikha ng malaking pinsala.
Ani Salvana, hindi dapat magpakampante ang publiko sa harap ng presensya ng Omicron dahil talaga namang napaka-‘unpredictable’ ng COVID-19.
Sa panig naman ni Dr. Anna Lisa Ong-Lim, sinabi nitong nawa’y magdilang anghel si Fr. Austriaco pero ang pinakamainam pa ring gawin ay mag-ingat at iwasang mahawaaan ng sakit.