Pahayag ni John Paul Solano na hindi namatay sa hazing si Horacio Castillo III, hindi pinansin ngg MPD

Manila, Philippines – Ipinagkibit balikat lamang ng pamunuan ng Manila Police District sa naging pahayag ni John Paul Solano na hindi namatay sa pamamagitan ng hazing si Horacio Atio Castillo III.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo hindi naman doktor o isang eksperto si Solano para sabihin niyang hindi namatay sa hazing si Atio.

Paliwanag ni Margarejo tanging ang mga doktor lamang o isang eksperto ang mayroong otoridad na pwedeng sabihin na namatay sa hazing si Atio at walang basehan si Solano sa kanyang mga pahayag.


Giit ni Margarejo una nang ipinahayag ng mga doktor na namatay si Castillo dahil sa matinding pasa at bugbog sa kanyang katawan na isa umanong malinaw na indikasyon na namatay sa hazing si Atio.

Facebook Comments