Pahayag ni Joma Sison tungkol sa BOL plebiscite, walang saysay – Palasyo

Manila, Philippines – Naniniwala ang Malacañang na nahihibang na si Communist Party of the Philippines (CPP) Jose Maria Sison.

Ito ang tugon ng Malacañang sa mga tila walang saysay na banat ni Sison tungkol sa Bansamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – walang kaalam-alam si Sison sa mga nangyayari.


Aniya, ang mga panibagong patutsada ni Sison ay resulta lamang ng kanyang “idle mind in exile”.

Ipinapanalangin din ng Palasyo na magkaroon ng maayos na kaisipan at mabuting kalusugan ang CPP leader.

Facebook Comments