Naniniwala ang grupong Nagkaisa Labor Coalition na malaking dagok sa hanay ng militar ang naging pahayag ni Southern Luzon Commander Chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., laban kay Tetch Torres-Tupas, reporter ng Inquirer.
Matatandaang inireport lamang ni Tupas ang pagsasampa ng petition for intervention ng dalawang Aeta, na base naman sa record ng korte at lumabas din sa lahat ng mga pahayagan.
Paliwanag ni Atty. Matula, ang naging pahayag ni Parlade na isang mataas na opisyal ng militar ay nakakaapekto umano sa kalidad ng kanyang pag-iisip at liderato ng militar.
Kaya naman naniniwala si Matula na dapat lamang humingi ng paumanhin si Parlade sa reporter dahil sa kaniyang mga pahayag at kinakailangan na rin sa Philippine Military Academy (PMA) na pag-aralan muli ang Constitutional Law at Section 4 ng Bill of Rights upang malaman nito ang kahalagahan ng kalayaan sa pamamahayag.
Muli namang nanawagan si Matula na ibasura na ang Anti- Terrorism Act of 2020.