Pahayag ni Mark Ventura sa DOJ, magpapalakas ng kaso – MPD

Manila, Philippines – Naniniwala si MPD District Chief Supt. Joel Coronel na lalong magpapalakas sa kaso sa pagpatay kay Horacio Castillo III ang paglutang ni Mark Ventura na isinailalim sa WPP ng DOJ.

Ayon kay Coronel, welcome sa kanila ang paglutang ni Ventura kung ihahayag umano nito ang kanyang buong nalalaman sa initiation rites.

Paliwanag ni Coronel, si Ventura ay isa sa tinaguriang “big three”, ang iba sa dalawa ay sina Balag at Hipe.


Una rito, isinalaysay ni Ventura ang kanyang nalalaman sa pagkamatay ni Atio kung saan ibinigay din sa DOJ ni Ventura ang pangalan ng mga kasama sa nagsagawa ng initiation rites kay Castillo.

Facebook Comments