Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na hindi dapat tanggapin ng literal ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.
Matatandaan kasi na sinabi ni Pangulong Duterte sa isang panayam na ang gusto niyang sumunod sa kanya ay ang kanyang anak na si Sara.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, gusto lamang bigyang diin ng Pangulo sa kanyang naging pahayag ay ang kakayanan ng kanyang anak.
Paliwanag ni Abella, ang gusto ng Pangulo na sumunod sa kanya ay katangian na taglay ng kanyang anak at dapat din nitong makuha ang kanyang tiwala.
Binigyang diin pa ni Abella na hindi ibig sabihin nito ay gustong mahawakan ni Pangulong Duterte ang poder sa buong bansa.
Facebook Comments