Pahayag ni Pang. Duterte na ’wag payagang lumabas ang mga “unvaccinated,” posibleng humantong sa “undue discrimination”

Nagbabala ang Commission on Human Rights (CHR) na posibleng lumikha ng labis na diskriminasyon ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag payagang makalabas ng bahay ang mga hindi bakunado ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, may iba-ibang dahilan kung bakit hindi pa bakunado ang isang tao at kalimitan ay hindi nila ito kontrolado.

Maliban sa kakulangan ng vaccine ay nariyan din ang ipinakakalat na maling impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine.


Sa ngayon ay hindi pa nakakarating ang vaccine sa mga nasa laylayan ng lipunan na napipilitang lumabas at maghanap ng kabuhayan.

Apela ng CHR sa gobyerno, tugunan ang problema sa vaccine supply gayundin ang pagpapabuti pa sa pangkalahatang health system.

Tinukoy ni De Guia ang higit na pagpapalawak sa testing, tracing, at treatment ng COVID-19 cases.

Facebook Comments