Pahayag ni Pangulong Duterte kaugnay sa pagsasara ng bank account ni Trillanes sa DBS, kailangang beripikahin – palasyo

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na kailangan ding berepikahin ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagsasara umano ng bank account ni Senador Antonio Trillanes IV sa Development Bank of Singapore o DBS sa Singapore sa pamamagitan ng online.

Ito ang sinabi ng Malacañang matapos lumabas naman sa balita na mayroong nagtanong sa DBS kung maaari bang magsara ng bank accounts ang isang indibidwal online, pero sinabi ng bangko na kailangan ay personal itong gawin ng account owner.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kailangan beripikahin ang pahayag ni Pangulong Duterte pero kailangan din naman aniyang beripikahin ang lumabas na sagot ng DBS sa nasabing isyu.


Facebook Comments