Naniniwala si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “100 taong natulog” ang Partido Demokratikong Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at nagising na lamang ito nang siya ay tumakbo sa pagkapangulo ay pawag eksaherado lamang.
Matatandaang minaliit ni Pangulong Duterte ang popularidad ni dating Senator Aquilino “Nene” Pimentel Jr. na founder ng PDP-Laban.
Sinabi ni Pangulong Duterte na siya ang nagbigay buhay sa partido nang magdesisyon siyang tumakbo sa pagkapangulo noong 2016.
Binanggit din ni Pangulong Duterte na ang mag-amang Pimentel ay hindi kilala sa sariling bayan sa Cagayan de Oro City.
Ayon kay Pimentel, bagamat talagang sumigla ang partido sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte, nagkaroon na noon pa ng “political surges” ang partido.
Aniya, ang PDP-Laban ay naging aktibo noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino at maging noong panahon ni dating Vice President Jejomar Binay na tumakbo sa ilalim ng partido.
“So we’ve also experienced surges. The party has even experienced a ‘third wave’,” ani Pimentel.
Itinanggi ng nakababatang Pimentel na nagpasa ng City Council resolution ang Cagayan de Oro para kilalanin ang mga tagumpay at kontribusyon ng kanyang ama matapos kanyang burol noong 2019.