Pahayag ni Pangulong Duterte na karapatan ng mga employer na hindi tanggapin ang hindi pa bakunadong aplikante, sinuportahan ng DOJ

Sinuportahan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na karapatan ng mga employer na hindi tanggapin ang mga aplikanteng hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Ayon kay Guevarra, nakabase sa mga pamantayan ng kompanya ang pagtanggap sa mga empleyado.

Habang paliwanag pa nito, wala pang umiiral na employer-employee relationship kaya walang nalalabag na karapatan.


May kaniya-kaniyang pamamaraan ang mga employer sa pagbibigay proteksyon sa kanilang mga empleyado para magtuloy-tuloy ang kanilang operasyon.

Facebook Comments