Pahayag ni Pangulong Duterte na lumala ang problema ng iligal na droga sa bansa, sinang-ayunan ng PNP

Sinang-ayunan ng Philippine National Police (PNP) ang naging pahayag ni Pangulong Rodirgo Duterte na lumalala ang problema ng iligal na droga sa bansa.

Sa interview ng RMN Manila, aminado si PNP Chief Director General Oscar Albayalde na malaking hamon para sa kanilang hanay ang naging pahayag ng pangulo.

Maging siya ay dismayado dahil malala pa rin hanggang ngayon ang problema ng iligal na droga sa bansa sa kabila ng pagsisikap ng pnp na masawata ito.


Halimbawa na rito ang patuloy na pagpapasok ng mga international drug syndicate ng malalaking volume ng illegal drugs sa Pilipinas gaya ng halos P900-Milyong halaga ng ‘floating cocaine’ at P1.8-Bilyong halaga ng shabu na narekober naman sa Manila International Container Port.

Tiniyak naman ni Albayalde na patuloy ang ginagawa nilang internal cleansing sa hanay ng PNP.

May mga iniimbestigahan din silang mga pulis na sinasabing sangkot sa iligal na droga.

Facebook Comments