Pahayag ni Pangulong Duterte na ‘mukhang pera’ ang Red Cross, dinipensahan ng Malacañang

Humingi ang Malacañang sa publiko ng pang-unawa matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘mukhang pera’ ang Philippine Red Cross (PRC).

Nabatid na ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos ipagpatuloy ng humanitarian organization ang COVID-19 testing matapos bayaran ng PhilHealth ang higit sa kalahati ng utang nito na aabot sa ₱1.1 billion.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hayaan na sana si Pangulong Duterte na ilabas ang mga gusto nitong sabihin.


Una nang sinabi ni PRC Chairperson Senator Richard Gordon na sanay na siya at hindi niya minasama ang pahayag ng Pangulo.

Pero pakiusap din ni Gordon na maghinay-hinay ang Pangulo sa pananalita dahil hindi mukhang pera ang Philippine Red Cross at malaki ang naitutulong ng ginagawa nitong COVID-19 test.

Gayumpaman, nananatili pa rin ang respeto ni Gordon kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments