Pahayag ni Pangulong Duterte na nagamit sa pagsuporta sa NPA ang pondo ng DSWD, wala raw basehan – Taguiwalo

144

Manila, Philippines – Tinawag ni dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo na kasinungalingan at walang basehan ang pahayag ni President Rodrigo Duterte na malamang ay nagamit ang pondo ng DSWD sa pagsuporta sa NPA.

Sinabi ni Taguiwalo na ang pondo para sa Conditional Cash Transfer Program o Pantawid ng Pamilyang Pilipino ay hindi dumadaan sa kaniyang kamay kundi direktang umapasok sa Landbank.

Nainiwala siya na pinalulutang lamang ang isyu upang mabigyang katwiran ang naging pagbasura ng Commision on Appointments sa kaniyang pagkakatalaga bilang DSWD secretary.


Nagtataka rin siya kung bakit hindi ito itinanong ng CA sa pagdinig upang nasagot niya ng tuwiran ang nabanggit na akusasyon.

Pagkaupong pagkaupo niya noon sa DSWD ay ipinatigil niya ang expansyon o pagdaragdag ng benepisaryo ng 4Ps hanggat hindi napupurga ang listahan ng Pantawid Pamilya Program.

Facebook Comments