Isa lamang oportunidad para subukan ang jurisprudence ng bansa ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo siya sa pagkabise presidente para magkaroon siya ng immunity mula sa mga kaso.
Ito ang sinabi ng Malacañang matapos ipaalala ng ilang kritiko na walang ganitong probisyon sa ilalim ng Konstitusyon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, paraan lamang ito ng pangulo na i-provoke ang jurisprudence ng bansa.
Matatandaang binanatan ni Pangulong Duterte sina dating Senator Antonio Trillanes IV at dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio dahil sa kanilang mga pagbabantang kasuhan siya pagkababa niya sa pwesto sa susunod na taon.
Facebook Comments