Pahayag ni Pangulong Duterte na “wala na tayong pera,” binigyang linaw ng Finance Department

Nilinaw ng Department of Finance (DOF) na nananatiling may pondo ang Pilipinas pero limitado ang paggastos dito.

Ito ang pahayag ng kagawaran matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala nang pera ang bansa.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, kinakailangang maghigpit ng budget na siyang nagpipigil sa additional spending sa pagpapatupad ng mga hakbang ng pamahalaan laban sa COVID-19.


Paliwanag ng kalihim, ang tangi lamang magagamit na pondo ay ang may basbas mula sa Kongreso.

Ang Pilipinas ay humiram na ng ₱1.2 Trillion at $4.8 Billion para mapalakas ang COVID-19 response ng pamahalaan.

Nitong Enero, pinirmahan ni Pangulong Duterte ang ₱4.1 Trillion General Appropriations Act (GAA) para sa taong 2020.

Facebook Comments