Pahayag ni Pangulong Duterte na walang face-to-face classes ngayong may pandemya, dapat magsilbing signal sa DepEd na ipagpaliban na muna ang pasukan

Pinayuhan ni Ang Probinsyano Partylist Representative Ronnie Ong si Education Secretary Leonor Briones na maging ‘cue’ na dapat sa kaniya ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa State of the Nation Address (SONA) para ipagpaliban ang klase ngayong taon.

Matatandaan na mariing iginiit ni Pangulong Duterte na wala munang face-to-face classes hangga’t walang COVID-19 vaccine.

Para kay Ong, sa halip na magbalik-klase ang mga mag-aaral, kailangang maging handa muna ang mga guro at estudyante sa new normal ng blended learning.


Iginiit ng kongresista na kailangan munang matiyak na may access sa internet ang mga nasa ‘remote areas’ o malalayong lugar bago mag-rely o dumipende ang DepEd sa online learning.

Hindi rin maaaring umasa ang pamahalaan sa mga private companies na magtayo ng mga towers dahil iisipin ng mga ito ang balik ng kanilang mga puhunan.

Binigyang diin ni Ong na dapat mag-invest na mismo ang gobyerno sa mga imprastraktura para sa maayos na signal at mabilis na access sa internet connection.

Facebook Comments