Pahayag ni PRRD na pension increase ng mga retiradong pulis at sundalo, ikinatuwa ng PNP Retirees Association Inc.

Nagpaabot ng pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal at miyembro ng PNP Retirees Association Incorporated sa naging pahayag ni pangulong Rodrigo Duterte na irelease ang mga dagdag pension sa mga sundalo at pulis sa kanyang SONA kahapon.

Ayon kay PRAI Liason Officer Antonio Emmanuel, naglunsad sila ng thankgiving rally kanina sa harapan ng Manila Finest Retirees Association  bilang pasasalamat sa naging hakbang ni pangulong Duterte na atasan ang DBM sa pagrelease ng pension increase ng mga retiradong pulis at sundalo.

Matatandaan na sa Joint Resolution No.1 na pinirmahan ni pangulong Rodrigo Duterte, naisakatuparan ang pension increase at nahanapan ng pondo nito lamang June 2019 ang pension increase na nabitin pa noong January 2019 hanggang Mayo 2019.


Paliwanag ni Emmanuel, malaking tulong aniya ang pension increase para sa maintenace medicines ng mga retiradong pulis at gastustin na rin para sa kanilang mga anak na nag-aaral pa.

Facebook Comments