Pahayag ni PBBM na ila-livestream ang budget deliberations ng bicam, pakitang-tao lang —Makabayan bloc

Para sa mga kongresistang kasapi ng Makabayan bloc, pakitang-tao lang ang pahayag ni Pangulong ferdinand Bongbong Marcos Jr na ila-livestream na ang deliberasyon ng bicameral conference committee ukol panukalang 2026 national budget.

Punto ni ACT Teachers partylist Rep. Antoniom kahit i-livestream ay mananatili pa rin ang pork barrel insertions at lomolobong Unprogrammed Appropriations sa 2026 budget.

Naniniwala naman si Kabataan Partylist Rep. Renee Co na palabas at panlilinlang lang ito sa publiko at bahagi ng desperadong hakbang ni PBBM para isalba ang nasirang kredibilidad pagdating sa paglaban sa korapsyon.

Giit ni Gabriela Women’s Party Representative Sarah Elago, kung seryoso talaga ang pangulo sa transparency ay dapat tanggalin ang lahat ng uri ng pork insertions sa pambansang budget.

Palaisipan din sa Makabayan bloc kung bakit handa anrg administrasyon na i-livestream ang pagtalakay ng BiCam sa proposed budget pero ayaw naman isapubliko ang lahat ng pagdinig ng Independent Commission on Infrastructure (ICI).

Facebook Comments