Pahayag ni PNP Chief Albayalde sa operasyon sa Negros Oriental , binakbakan ng ilang mambabatas

Tinuligsa ni Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao ang paghayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na nanlaban ang 14 na magsasaka na nasawi sa naganap na police operation sa Negros Oriental nitong sabado.

Tinawag ng mambabatas na tagapag-palaganap ng fake news si Albayalde.

Giit ng mambabatas, malinaw ang testigo ng mga naiwang pamilya ng mga biktima na walang baril at hindi nanalaban ang mga ito.


Sa katunayan, pinaslang ng walang kaawa-awa sa harapan ng mga naiwang pamilya ang mga casualty.

Para naman kay Act. Teachers Rep. Antonio Tinio, hindi dapat tawagin na “legitimate anti-crime operation” ang nangyari noong sabado dahil tinatarget lamang ang mga progresibong magsasaka at kanilang organisasyon na naglalayon lamang ng reporma.

Sa huli ay nanawagan ang mambabatas na itama ng PNP Chief ang kanyang statement at papanagutin ang mga pulis na nagkamali sa operasyon.

Facebook Comments