Pahayag ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na ingrato ang CBCP, ipinagkibit balikat lamang ng isang obispo

Manila, Philippines – Ipinagkibit balikat lamang ng isang obispo ang naging pahayag ni PNP Chief Dir. Gen Ronald Bato Dela Rosa na Ingrato ang CBCP na kumakanlong sa ilang mga opisyal ng PNP na handa ibunyag ang kanilang partisipasyon sa mga nangyayaring extrajudicial killings sa bansa.

Ayon kay Lingayen Pangasinan Archibishop Oscar Cruz noon pang Middle Ages ay mayroon ng Right to Sanctuary na kumakanlong sa mga taong inuusig dahil sa pagsasabi ng katutuhanan.

Paliwanag ni Cruz baka hindi umano naiintindihan ni Dela Rosa ang mga nangyayari dahil hindi lamang anya si Bato ang nagagalit sa Simbahan marami umano noon pang 2 libong taon na ang nakalilipas.


Giit ni Cruz trabaho ng Simbahan proteksyunan ang mga indibidwal na mayroon nalalaman sa mga nangyayaring sa EJK.

Dagdag pa ni Cruz madaling nilang malalaman kung nagsasabi ng totoo ang isang tao.una deretso ang salita, simple at maliwanag, hindi nauutal ang boses at deretso kung timingin.

Facebook Comments