Pahayag ni PRRD na “in possession” ang China sa WPS, dapat bawiin – Carpio

Iginiit ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na kailangang bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pahayag nitong SONA na “in possession” o hawak ng China ang West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Carpio – taliwas kasi ito sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration na pumabor sa Pilipinas at nagsasabing walang legal effect ang pag-angkin dito ng China.

Ibig sabihin, kahit mag-angkin ang China ay wala naman itong legal effect at hindi ito maituturing na legal possession.


Sagot ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo – hindi nangangahulugang tinatanggap na ang pag-angkin ng China sa West Philippine Sea.

Hindi rin nito pinahihina ang ruling.

Facebook Comments