“Serious and metaphorical”
Ito ang paniniwala ng Malacañan sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpadala ang Estados Unidos ng naval forces nito sa South China Sea upang mapigilan ang militarisasyon ng China sa lugar.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – ipinupunto ng Pangulo na may problema sa South China Sea inaangkin ng China ang buong karagatan.
Sinubukang resolbahin ang gusot sa pamamagitan ng diplomatic negotiations pero idiniit ni Panelo na may ilan sa mga kritiko ng Pangulo na tila gustong sugurin na ang China.
Una nang sinabi ng Pangulo na marihap paalisin ang China sa lugar lalo na at hindi nila kinikilala ang 2016 Arbitral Ruling na nagbabasura sa kanilang claim.
Maliban sa Pilipinas at China, ang Vietnam, Taiwan, Brunei at Malaysia ay may claims din sa South China Sea.