Pahayag ni Ramon Tulfo na nabakunahan ng Sinopharm vaccine si Sinas, hindi totoo ayon sa PNP

Itinanggi mismo ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas ang ibinunyag ng Broadcaster at Special Envoy ng Pilipinas sa China na si Ramon Tulfo na nabakunahan na siya ng Sinopharm vaccine.

Sa isang maikling mensahe na ipinarating ni PNP Chief sa media, sinabi nitong hindi totoo ang paratang ni Tulfo at kung siya man daw ay nabakunahan ay hindi na sana siya nagpositibo sa COVID-19.

Matatandaang nagpositibo sa COVID-19 si Sinas noong nakaraang Linggo na ngayon ay naka-quarantine na sa Kiangan Treatment Facility sa Camp Crame.


Pero una nang nilinaw ng University of the Philippines o UP OCTA Research Team na maaari pa rin namang tamaan ng virus ang mga nabakunahan ngunit hindi na sila hahantong sa malalang kaso na maaari pang mauwi sa kamatayan.

Facebook Comments