Kinampihan ni Vice President Leni Robredo ang posisyon ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. na hindi ‘legally binding’ ang verbal fishing agreement sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na ang lahat ng yamang dagat na nakapaloob sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ay dapat napapakinabangan ng mga Pilipino lamang.
Matatandaang sinabi ni Locsin na hindi pwedeng ipatupad ang kasunduan sa pagitan ng dalawang lider dahil hindi ito isang polisiya.
Pero iginiit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na legally binding ang kasunduan.
Para kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ito ay isang “agreement to come to an agreement.”
Facebook Comments