Manila, Philippines – Hindi nagustuhan ng Human Rights Watch (HRW) ang pahayag ni Senador Bato Dela Rosa na “shit happens” kapag may inosenteng namamatay sa anti-drug operations.
Matatandaang nasawi ang isang tatlong taong gulang na batang si Myca Ulpina sa buy-bust operation laban sa kanyang ama na isang drug suspect sa Rodriguez, Rizal.
Ayon kay HRW Philippines Researcher Carlos Conde – itinuturing nilang ‘walang pakialam’ at mapandusta ang sinabi ni Dela Rosa para sa mga batang napatay sa brutal na kampanya.
Dagdag pa ni Conde, ang pag-alipusta ni Dela Rosa sa mga biktima ng giyera kontra droga ay isang pagyurak sakaling siya man ang piliing pinuno ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs.
Facebook Comments