Pang-iinsulto sa mga Pilipino…
Ito ang komento ni Vice President Leni Robredo sa pahayag ni Senate President Tito Sotto III.
Sa isang panayam kasi ay sinabi ni Sotto na mahirap matukoy ang exclusivity ng mga lamang dagat dahil nasa ilalim sila ng tubig.
Aniya, pwedeng galing China ang mga isda sa West Philippine Sea (WPS) at maaari ring pumunta ang mga isda ng Pilipinas sa China.
Ayon kay Robredo – medyo ‘insensitive’ ang mga sinabi ni Sotto lalo na at may mga mangingisdang Pilipinong nalabag ang kanilang karapatan.
Dagdag pa ni Robredo – dapat maiparamdam sa mga mangingisda na hindi sila pinabayaan ng gobyerno at mabigyan sila ng hustisya sa kanilang sinapit.
Ang tinutukoy ni Robredo ay ang kaso ng 22 tauhan ng F/B Gem-Ver 1 na binangga ng Chinese vessel sa Recto Bank.
Una nang iginiit ni Sotto na hindi seryoso ang kanyang mga pahayag.