
Pumalag si Manila 6th District Rep. Benny Abante sa sinabi ni Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte na “PR stunt” lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpapa-imbestiga sa palpak at maanumalyang flood control projects.
Giit ni Abante kay Vice Mayor Duterte, tanungin ang kanyang kapatid na si Davao City Rep. Paolo Duterte kung ilang bilyong piso ang nakuha nitong pondo para sa flood control projects noong panahon ng kanilang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Hamon ni Abante kay Vice Mayor Baste, ilahad kung saan at paano ginamit ang nasabing alokasyon na para sa proyektong tutugon sa pagbaha.
Punto ni Abante, bakit hanggang ngayon ay malaki pa rin ang problema sa baha sa Davao.
Facebook Comments









