Tinabla ng Malacañang ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na bigo ang war on drugs ng pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang karapatan si Robredo na punahin ang mga programa ng gobyerno lalo na at hindi naman siya nagtagal sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Hindi na rin aniya bago ang mga naging rebelasyon ni Robredo.
Naniniwala si Panelo na nagpapapansin na lamang ang Bise Presidente.
Kasabay nito, ikinalungkot naman ni PDEA Director General Aaron Aquino ang pahayag ni Robredo.
Iginiit ni Aquino na binalewala ni Robredo ang mga hakbang ng gobyerno laban sa ilegal na droga sa nakalipas na tatlong taon.
Malinaw na pamumulitika ang mga sinasabing rekomendasyon ni Robredo kay Pangulong Duterte.