Pahayag ni VP Robredo na “massacre” ang nangyari sa siyam na aktibista sa Calabarzon, pinalagan ng Malacañang

Hayaan muna ang mga otoridad na matapos sa imbestigasyon bago maglabas ng mga pahayag.

Ito ang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo matapos ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na “massacre” ang nangyaring pagkamatay ng siyam na aktibista sa magkakahiwalay na raid sa CALABARZON.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Panelo na bilang abogada ay dapat alam ni Robredo na hindi dapat nagpapahayag ng anumang konklusyon hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon.


Matatandaang kinondena ni Robredo ang pagpatay sa siyam na aktibista at pag-aresto sa anim pang indibidwal noong Linggo, Marso 7 na tinawag na “bloody sunday”.

Kaugnay nito, nakaabot na rin sa United Nations Human Rights Office ang insidente kung saan iginiit naman ng Philippine National Police na lehitimo ang kanilang mga ginawang operasyon.

Facebook Comments