
Sagot ito ng Malacañang nang sabihin ni Vice President Sara Duterte na handa siyang pumalit kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sakaling magbitiw na ito sa pwesto.
Sinabi kasi kahapon ni VP Sara na tumakbo siyang bise presidente na alam ang mandato sa ilalim ng Konstitusyon bilang first in line sa succession.
Pero sa pulong balitaan kanina, sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na hindi katanggap-tanggap para sa isang vice president na abangan ang pagbibitiw ng pangulo.
Ayon kay Castro, maituturing din itong political destabilization na layong pahinain ang kumpiyansa ng taumbayan sa administrasyon.
Naniniwala naman ang Palasyo na “fit to lead” pa rin ang Pangulong Marcos Jr. at patuloy ito sa pagtatrabaho araw-araw.
Facebook Comments









