Pahayag ni VP Sara na handa na syang gampanan ang paghalili kay PBBM, binatikos ng isang kongresista

Agad na sinita ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na handa itong humalili bilang Pangulo ng bansa kung sakaling magbitiw si President Ferdinand Marcos Jr.

Para kay Cendaña, mas mahalaga na maging handa si VP Sara na harapin ang pananagutan sa kanyang mga ginawa bilang ikalawang pangulo at bilang dating kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ang tinutukoy ni Cendaña ay ang ibinabatong isyu kay VP Sara ukol sa kwestyunableng paggamit nito ng confidential at intelligence funds.

Kaya naman giit ni Cendaña, bago maghangad si VP Sara na maging pangulo ay dapat nitong unahin na paghandaan ang pagharap sa pananagutan pagdating sa isyu ng paggastos sa confidential at intelligence funds.

Facebook Comments