Pahayag ni VP Sara na panalo sya noong 2022 presidential elections, panglihis sa atensyon ng publiko

Malinaw para kay 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez ang tunay na layunin kaya inihayag ni Vice President Sara Duterte na sya na ang panalo bilang pangulo noong 2022 elections subalit ipinamigay nya lamang.

Kapansin pansin para kay Gutierrez, na palaging may pahayag si Duterte patungkol sa pulitika at pagkapangulo.

This slideshow requires JavaScript.


Naniniwala si Gutierrez, layunin ni VP Sara sa nabanggit na mga statements na ilihis ang atensyon ng publiko sa isyu ng hindi maipaliwanag na paggastos nito ng confidential funds.

Sabi ni Gutierrez, kung humarap lang si Duterte sa deliberasyon ng panukalang badyet para sa 2025 at sa paggastos ng confidential funds nito ay maraming tanong ang nasagot na.

Sa naturang punto ay sinabi ni Gutierrez na malamang ay tapos na ang hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountibility.

Facebook Comments