Pahayag nina Atong Ang at “Alyas Totoy” sa kaso ng mga nawawalang sabungero, hindi makakaapekto sa imbestigasyon ng DOJ

Hindi apektado ang Department of Justice (DOJ) sa mga pahayag nina Julie Patidogan o kilala rin bilang alyas “Totoy” at ng itinuturo nitong utak sa pagkawala ng mga sabungero na si Atong Ang.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla matapos na magsalita ang dalawang panig kaugnay sa isyu.

Sa ambush interview, sinabi ni Remulla na gagawin nila kung ano ang dapat at hindi sila tumigil sa pag-iimbestiga dito mula pa noong mga nakaraang taon.

Kaugnay rito, pagdating naman sa paghahanap sa mga sabungero na inilibing sa Taal Lake sa Batangas, sinabi ni Remulla na nakikipag-usap pa sila sa gobyerno ng Japan para humingi ng tulong sa pagsisid sa lawa.

Facebook Comments