Pahinante, patay sa aksidente sa San Juan City

San Juan City – Patay ang isang pahinante ng delivery truck sa aksidenteng nangyari sa San Juan City.

Ang truck helper na si Joven Taboso ay tumilapon palabas ng sasakyan makaraang mabangga ito sa center island sa Barangay Greenhills.

Matapos ang pagbangga, tumagilid pa ang truck at bumagsak sa katawan ni Taboso na siya niyang ikinamatay.


Kwento ng driver ng truck na si John Mark Sospo, umiwas siya sa isang pampasaherong jeep kaya kinailangan niyang kabigin ang manibela.

Patungo sana sa palengke ng San Juan ang truck para mag-deliver ng karne nang mangyari ang aksidente.

Facebook Comments