Pahintulot Ng Korte Na Makapagpyansa Si Napoles, Ikinabahala Ng Isang Senador

6

MANILA – Highly disturbing o labis na nakakabahala para kay senate majority leader alan peter cayetano ang pagbibigay pahintulot ng sandiganbayan fourth division na makapagpyansa si Pork Barrel Scam Queen Janet Lim napoles na nahahaharap sa kasong plunder.Tanong ni Cayetano sa Aquino government, sinadya bang gawing mahina ang kasong plunder laban kay napoles kaya nakumbinsi ang korte na ito ay makapagpyansa?Ano na ang nangyari sa pagtiyak ng administrasyon na malakas ang mga ebidensyang ilalatag laban kay Napoles.Giit pa ni cayetano nasa poder ng gobyerno ang lahat ng mga documentary evidence t mga testigo para madiin at matiyak na mahahatulan ng guilty si napoles at lahat ng mga kasabwt nya sa pagbulsa ng pera ng bayan.Bagamat mananatiling nakabilanggo si Napoles para pagsilbihan ang kinakaharap na kasong serious ilegl detention ay iginiit ni Cayetano na posibleng maging dangerous precedent o batayan ng kaparehong mga kaso sa hinaharap ang pagkapanalo ni Napoles s bail petition nito.

Facebook Comments