Pahirap na regulasyon ng Maritime Industry Authority sa mga mangingisda, pinuna ng Senado

Sinita ni Senator Francis Tolentino ang pahirap na regulasyon ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa mga mangingisda.

Natuklasan kasi sa pagdinig ng Senate Special Panel on Maritime and Admiralty Zones na pinamumunuan ni Tolentino na kinukumpiska pala ang huli ng mga mangingisdang bigong makapagsumite ng hinihinging requirements para sa certification ng MARINA.

Sa pagdinig ay humarap ang mga nakaligtas sa pagbangga ng isang oil tanker sa isang bangka sa Bajo de Masinloc, kung saan sinabi ng isa sa mga survivors na si Michael An na hirap ang mga mangingisdang irehistro ang kanilang mga bangka dahil sa inaccessibility o mahirap puntahan ng MARINA office na matatagpuan pa sa Maynila.


Isinisi ni Tolentino ang kawalan ng satellite office ng MARINA kaya hirap na magsecure ng permit ang ating mga mangingisda.

Itinatanggi naman ng MARINA ang akusasyon na kinukumpiska nila ang mga banye-banyerang huli ng mga mangingisda pero nangako naman sila na makikipagtulungan sa mga mangingisda.

Hinimok naman ni Tolentino ang mga mangingisda na maghain ng pormal na report sa Senate Maritime Zones Committee sakaling may mangyaring pangungumpiska ng mga huli.

Facebook Comments