Manila, Philippines – “Ang ginawa ng Supreme Court En Banc na pahayag sa indefinite leave ng Punong Mahistrado ay mistulang sariling impeachment na ng Korte Suprema”.
Ito ang tahasang sinabi ng isa sa mga tagapagsalita ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na si Atty. Josephne “Josa” Deinla.
Ayon kay Deinla – kahit anong anggulo ay hindi makatarungan at hindi puwedeng gawin ng mga mahistrado ang paglabas ng naturang statement dahil ito ay direktang pagpapakita na gusto na nilang mabakante ang posisyon ni Sereno.
Aniya, ang pagpupumilit ng mga mahistrado ay pagpapakita na gusto na nilang matanggal sa puwesto ang Punong Mahistrado na kung titingnan ay para na ring impeachment ang kanilang ginagawa.
Sa ngayon, ipinagdiinan ni Deinla na hindi matitinag ang punong mahistrado sa mga nangyayari sa kaniya kahit na nagmumukhang kalaban na niya ang sariling ahensiya na kaniyang pinamumumunuan.