MANILA – Nilinaw ng Malakanyang na “contingency measure” lamang ang pahiwatig ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng pagdedeklara ng martial law para mapigilan ang paglaganap ng karahasan sa bansa.Ayon sa Pangulo, wala pang sapat na rason para magdeklara ng martial law at suspendihin ang writ of habeas corpus.Sinabi pa ng Pangulo, na hindi siya pabor sa martial law at maging siya ay natakot din noon nang ideklara ito ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.Pero, giit ng Pangulo na kung pagbabasehan ang rehiyon ng Mindanao, hindi maitatanggi na lumalala ang rebelyon doon.Agad naman dinepensahan ni Presidential Communication Secretary Martin Andanar ang pangulo at sinabing hindi ito sumasagi sa isip ng pangulo.Paliwanag pa ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, sakaling lumala ang sitwasyon at may pangangailangan na magpatupad ng batas militar ay kailangan pa rin itong idaan sa tamang proseso at naaayon sa mga kondisyong nakasaad sa saligang batas.
Pahiwatig Ni Pangulong Duterte Na Pagdedeklara Ng Martial Law, Agad Nilinaw Ng Malakanyang
Facebook Comments