PAIIGTINGIN | Pagkalat ng cocaine sa bansa, ibinabala

Manila, Philippines – Nagbabala ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mabilis na pagkalat ng cocaine sa bansa.

Ayon sa Pangulo, nakapasok na rin sa Pilipinas ang cocaine at mabilis ang pagkalat nito lalo sa mga mayayamang nasa pribadong subdibisyon.

Sinabi pa ng Pangulong Duterte na nakapasok na sa Pilipinas ang drug cartel ng Mexico gayundin ang cartel ng South America kaya dapat na mapaigting pa ang pagbabantay sa mga sindikato.


Inihayag din ni Duterte na karaniwang ginagawa ang transaksyon ng cocaine sa mga yate, private jet o private plane.

Ang cocaine ay karaniwang ginagamit ng mga mayayaman dahil mas malakas ang tama nito at mataas ang presyo kumpara sa shabu na nabibili lamang sa mga kalye. <#m_7547286057353661423_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments