Manila, Philippines – Kasunod nang pagakyat ng bilang ng mga kabataang nagpositibo sa pinakahuling tala ng HIV cases sa bansa, tiniyak ng Department of Health (DOH) na mas pagiigtingin pa nila ang information dissemination at paglalapit ng mga pasilidad at serbisyo na tutugon sa HIV.
Base sa pinakahuling tala ng DOH, sa 1, 021 bagong kaso ng HIV sa bansa, 40 mula dito ang mga nasa edad 10 hanggang 19 na taong gulang na bata.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) na maging sensitibo sa pagtalakay sa Human Immunodeficiency Virus o HIV.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nahihirapan na ang mga pasyente na mayroong HIV, dahil sa stigma o yung negatibong impresyon na umiiral sa lipunan, kaya at makabubuti aniya na huwag na itong dagdagan pa.
Ayon sa kalihim, maging sensitibo, at laging isaalang alang ang Philippine AIDS Law kung saan nakasaad na dapat ay binibigyan ng privacy ang mga pasiyenteng may HIV.