PAIIGTINGIN | Pagpapaigting ng humanitarian response, tinututukan ngayon ng PRC kaisa ang kanilang mga international counterpart

Manila, Philippines – Nasa Pilipinas ngayon ang International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC) o ang pinakamalaking humanitarian response sa buong mundo.

Kaisa ang Philippine Red Cross, layon nilang talakayin ang mga problemang una nang iprinisinta sa 2018 World Disasters Report, kung saan nakasaad ang pagiging disaster- prone ng Asia Pacific Region, ngunit milyong tao ang nananatiling hindi napapaabutan ng tulong.

Sa ika-10 Asia Pacific Regional Conference na ginaganap ngayon sa Maynila, tatalakayin ang pagpapaigting ng humanitarian assistance, at mga makabagong teknolohiya na tutulong sa pagpapalakas ng effort ng organisasyon.


Paguusapan rin sa conference ang agenda ng IFRC para sa taong 2020.

Ilan sa mga bansang kabilang sa conference ay ang Australia, Bahrain, Bangladesh, Bhutan, Cambodian, New Zealand, Sri Lanka Vietnam at marami pang iba.

Facebook Comments