PAIIMBESTIGAHAN | House Committee on Ethics, planong paimbestigahan ang kontrobersiyang kinasangkutan ni Cong. John Bertiz

Manila, Philippines – Kasunod ng panibagong kontrobersiyang kinasasangkutan ni ACTS-OFW Partylist Rep. John Bertiz, kumikilos na ngayon si House Minority Leader Danilo Suarez na paimbestigahan sa House Committee on Ethics ang nasabing insidente sa airport.

Nakikipag-ugnayan na ngayon si Suarez kay Ethics Committee Chairman Delphine Gan Lee para pakiusapan na magkaroon ng moto propio investigation kay Bertiz.

Iginiit ni Suarez na hindi na ito dapat patagalin dahil maaaring simulan ng komite ang pagsisiyasat sa naging hakbang ni Bertiz at hindi na kailangan na maghintay na may maghain ng complaint laban sa kongresista.


Naniniwala si Suarez na maliit na bagay lamang ang kinasangkutan ni Bertiz kaya hindi niya maintindihan kung bakit pinalaki pa ang insidente.

Iminungkahi nito kay Bertiz na mag-privilege speech sa plenaryo para ipaliwanag ang buong pangyayari at humingi ng paumanhin sa buong kapulungan.

Facebook Comments