Manila, Philippines – Maghahain si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano ng resolusyon sa Kamara na nagpapaimbestiga sa iligal na pagbebenta ng mga military firearms at ammunitions.
Matatandaang narekober mula sa mga gunrunners ng Maute at Abu Sayyaf group ang ang mga armas at pampasabog na nakalagay sa mga kahon na may nakasulat na “AFP”, “GOVERNMENT PROPERTY”, at “PHILIPPINE ARMY”.
Hiniling ni Alejano ang agad na pagsisiyasat sa pagbebenta ng mga armas at pampasabog sa mga terorista na sinasabing pag-aari ng AFP sa muling pagbabalik ng sesyon.
Giit ni Alejano, matagal nang problema ang ganitong matinding korapsyon sa AFP kaya naging dahilan ito noon ng pag-aaklas ng grupong Magdalo.
Hinamon ng mambabatas ang gobyernno na magpatupad ng long-term policies at reporma sa sistema ng Hukbong Sandatahan ng bansa.
Dagdag pa ng kongresista na mahihirapan ang pamahalaan na matalo ang mga terorista kung mismong sa hanay ng AFP ay may mga traydor sa gobyerno.