PAIIMBESTIGAHAN | Mga tumalbog na ticket ng higit 100 OFW na pauwi ng Pilipinas galing Hong Kong, sisiyasatin

Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan na ng Department of Labor ang Employment ang Peya Travel matapos tumalbog ang ticket ng papauwing 131 mga overseas Filipino worker mula Hong Kong.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ipinatawag na ng Philippine consulate sa hong kong ang may-ari ng ahensiya para ipaliwanag ang aberya at humingi ng agarang solusyon sa patong-patong na reklamo.

Nakikipag-tulungan na rin aniya sila sa National Bureau of Investigation hinggil rito.


Sinabi pa ni Bello na nakikipag-ugnayan na rin siya sa Department of Foreign Affairs at Department of National Defense para sa pag-papauwi ng mga nasabing OFW.

Sa isang Facebook post, humingi na ng paumanhin ang Peya at nangakong haharapin nila ang responsibilidad sa nangyaring aberya.

Nagbigay naman ng mga discount sa tickets ang ilang arlines para sa mga OFW na apektado ng pumalyang booking.

Facebook Comments