PAIIMBESTIGAHAN | Pagtapon ng mga dumi sa Manila bay, ipinasisilip ni Sen. Cynthia Villar

Manila, Philippines – Nais ni Senator Cynthia Villar na maimbestigahan sa Senado ang patuloy na pagdumi ng tubig ng Manila Bay.

Pangunahing target ni Villar sa kanyang Senate Resolution 747 na malaman ang kondisyon ng Waste Water Treatment sa Metro Manila.

Una nang nabanggit ni Environmental Lawyer Antonio Oposa na ang Manila Bay ay parang inidoro na ginagamit araw araw ngunit hindi napa-flush.


Paliwanag ni Villar na dahil sa kakulangan ng mga pasilidad para sa tamang pagtatapon ng Waste Water at maayos na Solid Waste Management ay lumalala pa ang kalidad ng tubig sa Manila Bay.

Dagdag pa ni Senadora ang presensiya ng mga informal settlers na walang maayos na palikuran kayat ang lahat ng kanilang dumi ay bumabagsak sa Manila Bay.

Giit pa ni Villar may mga batas na noon pang dekada 70 para matiyak ang maayos na Waste Water Disposal ngunit hindi naman epektibong naipapatupad ang mga ito.

Facebook Comments