PAIKOT-IKOT | 9 na barko ng China, namataan sa Scarborough Shoal

Manila, Philippines – Siyam na barko ng China ang namataan ng militar sa karagatang sakop ng Scarborough Shoal o Panatag Shoal matapos na magpatrolya kanina ang mga tauhan ng Philippine Navy at Philippine Air Force gamit ang TC90 Aircraft na ibinigay ng Japan.

Ayon kay Northern Luzon Command Spokesperson Lieutenant Colonel Isagani Nato, ang siyam na mga sasakyang pandagat na ito ay apat na barko ng Chinese Coastguard, apat na walang pangalan ng barko ng Chinese at isang fishing vessel ng Chinese.

Habang namataan din ng militar ang apat na bangkang pangisda ng mga Filipino.


Sa kabila naman na namataan ang siyam na barko ng China sa Panatag Shoal nanatili aniyang normal ang sitwasyon sa lugar dahil hindi na aniya nagbabangayan ang mga mangingisdang Pinoy at Chinese Coastguard.
Sa ngayon sinabi ni COl Nato na itutuloy lamang nila ang kanilang maritime air patrol partikular sa mga lugar ng Batanes, Panatag Shoal at Benham Rise.

Ito ay upang protektahang ang teritoryo ng bansa laban sa mga mananakop.

Facebook Comments