PAILAW ED PLAZA SA SAN CARLOS CITY, PATULOY NA DINADAGSA

Patuloy na dinadagsa ng mga lokal at bisita ang Pailaw ed Plaza sa San Carlos City makalipas ang abot isang linggo nang opisyal itong pailawan ng Pamahalaang Panglungsod.

Dinarayo rito ang mga makukulay na mga dekorasyon at maraming klaseng ang mabibili na mga pasalubong.

Kabilang pa ang bazaar tampok ang hilera ng manlalako ng pagkain at kagamitan na pwedeng pagsaluhan at gawing pang regalo.

Sa pagdagsa ng maraming tao, tiniyak rin ng General Services Office ang kaligtasan at safety precautions ng mga bisita sa pamamagitan ng pagtalaga ng mga personnel mula sa San Carlos City Municipal Police Station at Public Order and Safety Office (POSO) para magbantay dagsa ng tao, at posibleng kontrol sa trapiko sa nasabing bayan.

Paalala naman ng kanilang Opisyal, na ingatan ang mga kagamitan, bantayan ng maigi ang mga anak, mag-ingat sa linya ng mga kuryente, at maging responsable sa pamamasyal para maging masaya at matiwasay ang tuloy tuloy na pailaw hanggang kapaskuhan.

Facebook Comments